Mark 11:15-17

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo

(Mat. 21:12-17; Luc. 19:45-48; Juan 2:13-22)

15Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapating inihahandog sa templo. 16Pinagbawalan niya ang mga taong may paninda na dumaan sa templo. 17Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, “Hindi baʼt sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa’?
Isa. 56:7.
Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.”
Jer. 7:11.


Copyright information for TglASD