Matthew 24:29-31

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo

(Mar. 13:24-27; Luc. 21:25-28)

29“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay
mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan.
sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas.
30Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng aking pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.
kaluwalhatian: o, kapangyarihang nagniningning.
31Sa malakas na tunog ng trumpeta ay ipapadala ko ang aking mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang aking mga pinili.”

Copyright information for TglASD