Luke 18:35-43

Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag

(Mat. 20:29-34; Mar. 10:46-52)

35Nang malapit na sina Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. 36Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. 37Sinabi sa kanya ng mga tao, “Dumadaan si Jesus na taga-Nazaret.” 38Sumigaw ang bulag, “Jesus, Anak ni David,
Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Judio sa Mesias o Cristo dahil sa paniniwalang mula siya sa angkan ni David.
maawa po kayo sa akin!”
39Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!” 40Tumigil si Jesus at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Nang makalapit ang bulag, tinanong niya ito, 41“Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita!” 42Sinabi sa kanya ni Jesus, “Makakita ka na! Pinagaling
Pinagaling: o, Iniligtas.
ka ng iyong pananampalataya.”
43Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Jesus nang nagpupuri sa Dios. Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpuri rin sila sa Dios.

Copyright information for TglASD