Psalms 76

Sa Dios ang Tagumpay

1Kilalang-kilala ang Dios sa Juda,
at sa Israel ay dakila siya.
2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem
Jerusalem: sa Hebreo, Salem. Isa rin itong pangalan ng Jerusalem na ang ibig sabihin ay “kapayapaan”.

3Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway,
ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma.
4O Dios, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway.
habang … kaaway: Sa Septuagint, sa matatandang bundok.

5Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.
Silang lahat ay namatay na;
wala nang makakapagbuhat pa ng kamay sa amin.
6O Dios ni Jacob, sa inyong sigaw,
sigaw: o, saway.
ang mga kawal
kawal: sa literal, mangangabayo.
at ang kanilang mga kabayo ay namatay.
7Kaya dapat kayong katakutan.
Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit?
8Mula sa langit ay humatol kayo.
Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik
9nang humatol kayo, O Dios,
upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
10Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao
ang … tao: o, ang galit ng mga tao.
ay magbibigay ng karangalan sa inyo,
ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos ang inyong galit.
11Mangako kayo sa Panginoon na inyong Dios at tuparin ito.
Lahat kayong mga bansang nasa paligid, magdala kayo ng mga regalo sa Dios na siyang karapat-dapat katakutan.
12Ibinababa niya ang mapagmataas na mga pinuno;
kinatatakutan siya ng mga hari rito sa mundo.
Copyright information for TglASD