2 Chronicles 20:31-37

Ang Katapusan ng Paghahari ni Jehoshafat

(1 Hari 22:41-50)

31Iyon ang paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Siyaʼy 35 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 25 taon. Ang ina niya ay si Azuba na anak ni Silhi. 32Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang kanyang ginawa sa paningin ng Panginoon. 33Pero hindi niya inalis ang mga sambahan sa matataas na lugar,
sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
at ang mga tao ay hindi pa rin naging tapat sa pagsunod sa Dios ng kanilang ninuno.

34Ang iba pang salaysay sa paghahari ni Jehoshafat, mula simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Mga Aklat ni Jehu na anak ni Hanani, na kasama sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

35Pero sa mga huling bahagi ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, nakipag-alyansa siya kay Haring Ahazia ng Israel, na isang masamang tao. 36Nagkasundo sila na magpagawa ng mga barko na pang-negosyo.
mga barko na pang-negosyo: sa Hebreo, mga barko na papuntang Tarshish.
Ipinagawa nila ito sa piyer ng Ezion Geber.
37Sinabi ni Eliezer na anak ni Dodavahu na taga-Maresha kay Jehoshafat, “Dahil kumampi ka kay Ahazia, gigibain ko ang ipinagawa ninyo.” Kaya nagiba ang barko at hindi ito nakapaglakbay.

2 Chronicles 21:1

1Nang mamatay si Jehoshafat, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.
Copyright information for TglASD