Luke 21:25-28

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo

(Mat. 24:29-31; Mar. 13:24-27)

25“May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat. 26Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga bagay
mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan.
sa kalawakan.
27At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.
kapangyarihan at kaluwalhatian: o, kapangyarihang nagniningning.
28Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay
umasa kayo at maghintay: sa literal, tumayo kayo at tumingala.
dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Copyright information for TglASD