Mark 14:66-68

Ipinagkaila ni Pedro na Kilala Niya si Jesus

(Mat. 26:69-75; Luc. 22:56-62; Juan 18:15-18, 25-27)

66Nang si Pedro ay nasa loob pa ng bakuran, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari. 67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit malapit sa apoy, tinitigan niya ito at sinabi, “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Nazaret, hindi ba?” 68Pero itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok.
Copyright information for TglASD