Matthew 21:12-13

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo

(Mar. 11:15-19; Luc. 19:45-48; Juan 2:13-22)

12Pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapating inihahandog sa templo. 13Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang bahay ko ay bahay-panalanginan.’
Isa. 56:7.
Pero ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”
Jer. 7:11.


Copyright information for TglASD