Matthew 24:1-2

Sinabi ni Jesus ang Tungkol sa Pagkawasak ng Templo

(Mar. 13:1-2; Luc. 21:5-6)

1Lumabas si Jesus sa templo, at habang naglalakad, nilapitan siya ng mga tagasunod niya at itinuro sa kanya ang mga gusali ng templo. 2Sinabi ni Jesus, “Tingnan ninyo ang lahat ng iyan. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, magigiba ang lahat ng iyan at walang maiiwang magkapatong na bato.”

Copyright information for TglASD