Matthew 24:15-21

Ang Kasuklam-suklam na Darating

(Mar. 13:14-23; Luc. 21:20-24)

15“Nagsalita si Propeta Daniel tungkol sa kasuklam-suklam na darating na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo. (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) Kapag nakita na ninyong nasa loob na ito ng templo,
templo: sa literal, banal na lugar.
16ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan. 17Ang nasa labas ng bahay
labas ng bahay: sa literal, bubungan.
ay huwag nang pumasok para kumuha ng anumang gamit.
18Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit. 19Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. 20Idalangin ninyo na ang pagtakas nʼyo ay hindi mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21Sapagkat sa mga panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng napakatinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan.
Copyright information for TglASD