Matthew 26:57-58

Dinala si Jesus sa Korte ng mga Judio

(Mar. 14:53-63; Luc. 22:54-55, 63-71; Juan 18:13-14, 19-24)

57Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ng punong pari na si Caifas. Doon ay nagkakatipon ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga pinuno ng mga Judio. 58Sumunod din si Pedro roon, pero malayu-layo siya kay Jesus. Pumasok siya sa bakuran ng punong pari at nakiupo sa mga guwardya upang malaman kung ano ang mangyayari kay Jesus.
Copyright information for TglASD