Matthew 6:9-13

9Kaya manalangin kayo ng katulad nito:

‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa kayo ng mga tao.
sambahin … mga tao: sa literal, sambahin ang pangalan ninyo.

10Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari,
at masunod ang inyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11Bigyan nʼyo po kami ng aming pagkain sa araw-araw.
12Patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.
13At huwag nʼyo kaming hayaang matukso
kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas.
Satanas: sa literal, Masama.

[Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’
Copyright information for TglASD